take your life into your own hands., and what happens? a terrible thing:
no one to blame
Image Hosted by ImageShack.us
different_bea
read my profile
sign my guestbook

Visit different_bea's Xanga Site!

Name: ayehsadib
Location: Philippines
Birthday: 7/12/1991
Gender: Female


Interests: well, to tell you the truth, at my age, i still like animes!!!!!!!especially PRINCE OF TENNIS!!!!!!!!!and also dn angel, kaleido star and HAMTARO>..haha..:D
Occupation: student
Industry: Other


Message: message me
Website: visit my website
MSN: fullhouse_128@hotmail.com
Yahoo: beamoody9662@yahoo.com


Member Since: 4/8/2006

SubscriptionsSites I Read
copyrightedmemories
write_and_draw
psycho_peanut
assilish
envymeg
xXxdrei_akoxXx
chris03cnsz

Groups Blogrings
 Japanese Animation , Cartoon Characters
previous - random - next

 The Music of Christ - Our King
previous - random - next

RSHS III
previous - random - next

im not the kid my parents wanted me to be.
previous - random - next

 Christians Who Write
previous - random - next


Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site


Thursday, January 25, 2007

moved!!!!!!

moved to my new home!

try visiting it some times.

http://barkada0607.multiply.com


Friday, December 29, 2006

mahaba pero maganda! basahin niyo!

Minsan May Isang Put@
(something worth reading)

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko
put@ daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang
pinakamaganda at pinakasikat sa
aming lugar noon. Ang bango-bango ko
daw, sariwa at makinis. Di ko nga
alam kung sumpa ito, dahil dito
naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko,
yosi muna tayo. Alam mo, maraming
lumapit sa akin, nagkagusto, naakit.
Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh.
Tinanggap ko naman silang tao, bakit
kaya nila ako ginago? Masakit
alalahanin, iniisip ko na lang na
kase di sila taga rito, siguro
talagang ganoon. Tatlong malilibog
na foreigners ang namyesta sa
katawan ko, na-rape ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa,
ang pinakahuli ang di ko makaka-
limutan. Parang maski di ko ginusto
ang mga nangyari, hinahanap-hanap
ko siya. Tinulungan nya kasi akong
makalimutan yung mga sadistang Hapon
at Coño.

Kase, ibang-iba ang hagod niya.
Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. Ibang klase siya
mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya
ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo -
may chocolates, yosi, ano ka! May
datung pa! Nakakabaliw siya, alam
kong ginagamit nya lang ako pero
pagamit naman ako nang pagamit.

Sa kanya namin natutunan mag-inggles,
di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat
ang problema ko, siya ang tinatak-
buhan ko. Yun nga lang, lahat ng
bagay may kapalit. Nung kinasama ko
siya, guminhawa buhay namin.
Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal
na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy
na kaligayahan namin, yun pala unti-
unti niya akong pinapatay. PUT@NG
Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya
sa katawan ko, muntik na akong malaspag.

Ang daming nagsabi na ang tang@ tang@
ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng
mga anak ko, napalayas ko ang animal
pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na
naranasan namin sa kanya. Lubog na
lubog pa kami sa utang, kulang ata
pati kaluluwa namin para ibayad sa mga
inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda
ang buhay namin. Ayun, mga nasa
Japan, Hong Kong, Saudi ang mga
anak ko. Yung iba nag-US, Europe.
Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos
lahat, wala naman silbi, masaya daw
sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap
na tulungan ang kalagayan namin, siya
din ang dami ng mga anak ko na
namamantala sa kabuhayan at kayamana
na itinatabi ko para sa punyetang
kinabukasan naming lahat. Dumating ang
panahon na di na kami halos makaahon
sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil
nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga
anak ko, ang tuluyang sisira sa akin.
Napakasakit tanggapin na malinlang.
Akala ko ay makakakita ako ng magiging
kasama sa buhay sa mga ahas na
ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala.
Ang tang@ ko talaga. Binugaw ako ng
sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
at pansamantalang ginhawa na nais
nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang
pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala
akong ibang yaman kundi ganda ko.
Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang
sarili ko, basta maginhawa lang ang
mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May nanghihinayang, namumuhi at naaawa.
put@ na kase ang isang magandang tulad
ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa
pagpup*t* kaso ang laki talaga ng
letseng utang ko eh. Palaki pa ng
palaki. Kulang na kulang. Paano na lang
ang mga anak ko naiwan sa aking
punyetang puder? Baka di na ako balikan
o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga
anak. Hindi na importante kung laspagin
man ang ganda ko, madama ko lang ang
pagmamahal ng mga anak ko. Malaman
nila na gagawin ko ang lahat para sa
kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin,
alam ko maganda pa rin ako. Meron pa
din ang bilib sa akin. Napapag usapan
pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha
ko sa salamin, nakikita ko ang mga
anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko
ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga
ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan
sila pumunta. Mahusay sa kahit anong
gawin. Tama man o mali. Proud ako sa
kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang
may malasakit sa akin. May malasakit
man, nahihilaw. Ni di nga ako kiniki-
lalang ina. Halos lahat sila galit sa
isa't isa. Walang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit
na tiniis pero walang sasakit pa nung
sarili kong mga anak ang nagbugaw sa
akin. Kinapital ang laspag na ganda ko.
Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin,
ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana
maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na.
Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap usapan na ang
susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman
sa akin, ipaglaban naman nila ako.
Gusto kong isigaw:

"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na
ang make up ko nito eh. Salamat ha,
pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko
nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.


Wednesday, December 13, 2006

ewan ko lang

hi guyz. medyo matagal siguro bago ako makapag post ulet. busy kasi e. saka may ibang kinalolokohan ngayun. FNETS. sali din kayo dun guys! magandadun. hehe. http://www.filipinoes.net


Monday, December 04, 2006

badtref

ewan ko ba. pero lately eh. medyo nagiging. mataray. masungit. palasigaw. masungit. mataray. palasigaw. palasigaw. masungit. mataray. yun. eewan ko ba. kahit na ayaw ko. e nagiging ganun ako. baka kasi. medyo. yun. basta. asar. hindi ko magets kamo. pero talaga. lalo na sa room. kahit sino tatablahin ko. kahit na alam kong matatabla rin ako. kagit sino. kait kaibigan o kaaway, ready akong makipag sabunutan. jokes. sagutan lang. ewan o. nahihilig ako sa debate lately. dati pa naman e pero ngayon. waaahh. ayoko ng  ganito. parang naninibago ako. hindi ko kaya. haha. change. it makes me feel weird. pero gusto kong mag stick sa dating ako. pero alam ko. hindi pwede. kaya kailangan kong makibagay sa sarili ko. hehe.


-end of post-


Saturday, November 25, 2006

saya at trahedya., lakad na to!

so, ganito yun. kahapon ay naganap ang oh so wanderpul na parada namin. (hindi ko lang alam kung ano talaga wanderpul dun) actually, hindi naman ako dapat pupunta dun eh. kasi sa school kami hinatid ni mangpres dahil sa mga TEACHERS na NAKIKISABAY lang sa service NAMIN! naku! sila pa talagprinioritize ni mang pres. asar. samantalang kami ang nagbabayad ng mas malaki. at mas matagal na kaming nagseservice sakanya.

so yun. eh wala naman akong kasama kungmag iistay ako sa school. kaya yun. bumaba na rin ako sa gapo. and then. dapat magkasama kami ni embong.eh dahil sa dami ng tao. eh ano pa ba. edi nagkawalaan kami. buti nalang nakit ko sila mam mercy at dun nalang ako sumama sa kanila. at yun. nakaabot din kami sa hanay ng pila ng mga RSHS. at agad ko naman nakita sila alexis at dun na nga ko sumama sa kanila. naglakad kami hanggang dun sa may flagpole na mataas. tapos yun. ang init! grabeh talaga. after ng parada e nagdecide kami na punta sa boardwalk which is hindi naman natuloy. tapos nagpunta nalang kami sa may chapel. tapos dun. hindi naman talaga ako catholic but i took the chance to pray nalang there.

tapos yun, naglakad nanaman kami. gusto raw kasi nilang kumain sa jollibee.tapos yun. habang naglalakad kami e dumaan kami sa bread tme ba yun. hindi ko sure eh. pero yun. tapos bumili kami dun ng cheese bread ni alex. okay lang naman siya pero mas gusto ko yung sa french baker saka julie's. mas masarap cheese bread nila dun.  tapos nun, hinabol na namain mgakasama namin. hindi na namin sila makita. kaya yun. naglakad kami papuntang mall. and ayun. nandun nga sila. nakaupo s aharap ng jollibee. tapos nakiupo na rin kami. para kaming timang dun. tapos yun. ang tagal magbukas ng jollibee! grabe! tapos yun.

nagbukas ng ang jollibee. tapos kumain na kami. tapos nagkaproblema. nagalit si sassy. tapos yun. lumabas sila ng jollibee. si sassy, jew and alex. tapos sinundan ko sila. tapos punta kami kila sassy. naglakad lang kami papunta dun. hinahabol namin si sassy. ang bilis niya pala maglakad kapag galit! grabe! pag dating namin sa bahay nila, hinihingal kami ni alex. tapos yun.

dumating na sila jew, kakai, mona, rocel, badet, yun. nag revelations kami! haha. nakakatuwa. yung video guys! haha., kakaiba. tapos yun. tanungan portions na ulet! daming tanong na sinagot.mga gusto, kinaiinisan at lahat! grabeh talaga. hindi na rin kami nakapagpigil at yun na nga.haha. kung anu ano mga pinagsasasabi namin. amin amin na yun! haha.

tapos nun. natulog kami sandali and tapos nag ayos na rin kami. naglakad kami papunta kami kila badet at pinagpaalam siya. medyo nagtagal din kami dun. after nun eh umalis na rin kami at pumunta ng palengke para ihanap para ihanap si casey si casey ng songhits ng callalily. grabe. june issue pa yun kaya ang hirap hanapin. and then, wala nga kaming nahanap sa palengke.

tapos naglakad kami  papuntang terminal at dun. naghanap kami. at yun! casey ayun o! c alden. haha. nakakita rin kami. kaya lang dinugas kami nung ale. P35 samin binenta e P28 lang yun e! pero okay lang. atleast may nakita kami. june issue mgapare. at nakakita kami. kaya yun. ang saya! tapos punta na kaming ocean view kung san gaganapin ang celebration ng birth ni alexis. kaya yun. punta na kami. tapos, nauna pa kami kila alex na dumating dun! (hindi naman halatang excited kami di ba?!?) tapos yun. dumating na si alex with her fam.. and then yun. nagpalit na sila. at ako?!?  wala akong dalang damit. OP. asar. pero sumama ako sa kanila sa beack.

ang balak ko ay pantalon lang ang babasain ko. hanggang yun. di na napigilan. nakakainggit sila eh! tapos yun. swimming na nga. oh gosh. basa akong uuwi nito. di bale na. last year ko na to e! ienjoy na to! kaya yun. floating. swimming. dive. yun. nag slide pa ang mga batng bata kong mga kasama. and then mag eight na. gotta go. para maabutan ang ang bus na pang 8. pero patuyo muna ko ng unti. at eto na nga. medyo nagtagal kami at mga nine na kami nakaalis ngocean view. pinagmadali ko ang mga kasama kong kumain para makaalis na kami. kaya yun.

kaya yn. yung bus na nasakyan ko eh 9:30 ang alis. patay! advance pa namanrelo namin. at yun nga. quarter to 11 na ko nakauwi! nyaykz! first time dude! at syempre pinagalitan ako ni mama with the saying pa na hindi na niya ko papayagan ever sa mga ganung bagay! asar. pero okay lang. kasalanan ko naman kasi.

masaya ang araw na yun! total bonding.

fourth year na nga talaga ako

-end of post-



Next 5 >>

<bgsound src="http://audio.xanga.com/different_bea/0582567649/audio.html">